Nawawala ang ng bisa ng gamot sa mikrobyo (antimicrobial resistance) kapag ang baktirya at iba pang mga microorganism ay nag-iba pagkatapos malantad sa mga gamot laban sa mikrobyo. Ang mga antibiyotiko ay ilan sa pinakakaraniwang gamot laban sa mikrobyo na ginagamit sa mga tao at hayop. Ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko ay nagpapabilis sa pagkawala ng bisa ng gamot at inilalagay tayong lahat sa panganib.
Maaaring makaapekto sa sinuman ang pagkawala ng bisa ng gamot, anumang edad, at sa alinmang bansa. Ito ay banta sa kalusugan ng tao, ligtas na pagkain, at pangmatagalang pag-unlad.
Ngunit makatutulong kang iwasan ang pagkawala ng bisa ng gamot sa dalawang simpleng paraan:
Itigil ang labis at maling paggamit ng mga antibiotic
Pigilan ang pagkalat ng impeksiyon upang mas kaunting antibiyotiko ang magagamit.
Sumali sa laban!
Magligtas ng mga Buhay
Isalba Ang Ating Kinabukasan
Maging responsable sa paggamit ng mga Antibiyotiko
Salamat
Sa iyong Pangako
Salamat sa pangakong labanan ang kawalan ng bisa sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga impeksiyon at pagpigil sa labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko! Ang pangako mong gagawin ay makatutulong na maging ligtas at malusog ang mga komunidad. Sabihin sa iyong pamilya at kaibigan na ginawa mo ang pangako at ganyakin sila na gawin din ito!
Ikalat ang balita at tulungan kaming makalikom ng 1 milyong pangako!
Sumali sa laban sa pamamagitan ng pangangakong magiging responsable sa paggamit ng mga antibiyotiko at magbibigay ng kamalayan tungkol sa pagkawala ng bisa ng gamot
MAKIKILALA AKO BILANG
Publiko
Mga Manggagawang Pangkalusugan
Mga Nagtutustos ng Pagkain
Vets & Animal Health
Gobyerno
Ang bawat isa ay maaaring gumawa ng mga simpleng pagkilos upang masuportahan ang laban sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
1. Titigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa pamamagitan ng:
Paghingi ng payo sa isang kuwalipikadong propesyonal sa kalusugan bago gumamit ng mga antibiyotiko
Kapag iniresetang antibiyotiko, susundin ang payo ng aking propesyonal sa kalusugan, kung paano inumin ang mga ito
Pagtuturo sa aking pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa pagkawala ng bisa ng gamot
2. Pagpigil sa pagkalat ng impeksiyon sa pamamagitan ng
Paghuhugas madalas ang aking mga kamay
Paghahanda ng pagkain sa malinis na paraan
Pagsunod sa takdang panahon ng mga pagpapabakuna ko at ng aking pamilya
Ang bawat isa ay maaaring gumawa ng mga simpleng pagkilos upang masuportahan ang laban sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
* Kabilang sa kategoryang ito ang Mga Doktor, Nars, Dentista, Parmasyutiko
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
1. Titigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa pamamagitan ng:
Pagreresseta at pagbibigay ang mga antibiyotiko kung kinakailangan lamang at alinsunod sa kasalukuyang mga patnubay
Pagtuturo sa mga pasyente kung paano iinumin ang mga antibiyotiko, at ang mga panganib ng maling paggamit
Pagtatapon nang tama ang mga pasó at hindi nagamit na mga antibiyotiko
2. Pagpigil sa pagkalat ng impeksiyon sa pamamagitan ng
Pagsunod sa takdang panahon ng mga pagpapabakuna ng aking pasyente
Pagtiyak na malinis ang aking mga kamay, kagamitan, at kapaligiran
Pakikipagtulungan sa iba upang mas mapahusay ang pagpigil at pagkontrol sa impeksiyon
Ang maling paggamit ng mga antibiyotiko sa mga hayop, manukan, aquaculture, at mga pananim ang pangunahing dahilan sa paglaganap ng pagkawala ng bisa ng gamot at pagkalat ng hindi tinatablang baktirya sa mga tao sa pamamagitan ng kapaligiran at food chain.
* Kabilang sa kategoryang ito ang Mga nag-aalaga ng Hayop at Poltri, Isda at iba pang Aquatic Animal Farmer, Mga Nagtatanim
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
1. Titigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa pamamagitan ng:
Pagtiyak na bibigyan lamang ng mga antibiyotiko ang mga hayop na nasa pangangasiwa ng beterinaryo
Hindi kailanman gagamit ng mga antibiyotiko para sa mabilis na paglaki
Pagdaragdag ng kamalayan tungkol sa mga panganib ng labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko
2. Pagpigil sa pagkalat ng impeksiyon sa pamamagitan ng
Paggamit ng mahuhusay na pamamaraan/kasanayan sa lahat ng antas ng produksiyon ng pagkain
Pagpapanatiling malinis at malusog ang kondisyon ng aking mga alagang hayop at iniiwasan ang labis na pagsisiksikan
Pagbabakuna ng mga hayop at paghihiwalay sa mga may sakit upang mapigilan ang pagkalat ng sakit
Ang bawat isa ay maaaring gumawa ng mga simpleng pagkilos upang masuportahan ang laban sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
* Kabilang sa kategoryang ito ang Mga Beterinaryo at Propesyonal sa Kalusugan ng Hayop
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
1. Titigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa pamamagitan ng:
Pagrereseta at pagbibigay ng mga antibiyotiko sa mga hayop na nasa aking pangangalaga, at kapag kinakailangan lamang
Pagpili ng tamang antibiyotiko sa pamamagitan ng wastong pagsusuri
Pagtuturo sa mga nag-aalaga ng hayop tungkol sa mga panganib ng pagkawala ng bisa ng gamot
2. Pagpigil sa pagkalat ng impeksiyon sa pamamagitan ng
Pagpapanatiling laging malinis ang aking mga kamay, kasangkapan, at kapaligiran
Pagbabakuna ng mga hayop at paghihiwalay sa mga may sakit upang mapigilan ang pagkalat ng sakit
Pagpapalaganap ng mahuhusay na kasanayan sa mga magsasaka at iba pang nag-aalaga ng hayop, kabilang ang kalinisan
Ang bawat isa ay maaaring gumawa ng mga simpleng pagkilos upang masuportahan ang laban sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
* Kabilang sa kategoryang ito ang Mga Tagapagbalangkas ng Patakaran, Mga Pinuno ng mga Ministri, Mga Awtoridad ng Regulasyon
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
1. Titigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa pamamagitan ng:
Pagtataguyod ng isang multi-sektoral na pambansang plano ng pagkilos sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
Pagbuo at pagpapatupad ng mga regulasyon upang pigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko sa mga tao at hayop
Paglikha ng impormasyon ukol sa kung paano mapipigilan ang labis at maling paggamit ng mga antibiyotiko na gamit ng mga mamamayan
2. Pagpigil sa pagkalat ng impeksiyon sa pamamagitan ng
Pagbuo at pagpapatupad ng mga regulasyon upang mapigilan ang pagkalat ng mga impeksiyon sa pamamagitan ng:
Pagsubaybay sa pagsunod ng mga ospital at klinika sa mga pamantayan sa pagpigil at kontrol ng impeksiyon
Pagpapatupad ng mahuhusay na kaugalian sa agrikultura at produksiyon ng pagkain
Pagtiyak na may akses sa ligtas na tubig at kalinisan ang mga komunidad
Ang bawat isa ay maaaring gumawa ng mga simpleng pagkilos upang masuportahan ang laban sa pagkawala ng bisa ng gamot sa mikrobyo
AKO’Y NANGANGAKONG KIKILOS AT
Maging responsable sa paggamit ng mga antibiyotiko
Gamitin lamang ang mga antibiyotikong inireseta sa akin ng aking doktor at huwag ipamigay o gumamit ng tirang antibiyotiko
Pigilan at bawasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit
Paghuhugas madalas ang aking mga kamay
Panatilihing nasa takdang panahon ang mga bakuna
Ingatan ang paghahanda ng pagkain
Mangyaring ayusin muna ang sumusunod na isyu bago muling isumite ang form: